Jose Abad Santos, Davao Occidental dalawang beses niyanig ng lindol

Dalawang beses niyanig ng magnitude 3.0 na lindol ang lalawigan ng Davao Occidental.

Ayon sa Phivolcs, naitala ang unang pagyanig sa 120 kilometers southeast ng bayan ng Jose Abad Santos, alas-12:28 umaga ng Huwebes (December 24) at may lalim na 34 kilometers.

Ang ikalawang pagyanig naman ay naitala sa 162 kilometers southeast ng bayan pa rin ng Jose Abad Santos, alas-3:56 ng umaga at may lalim na 40 kilometers.

Tectonic ang origin ng mga pagyanig.

Wala namang naitalang pagkasira ng mga ari-arian, intensities at aftershocks bunsod ng pagyanig.

 

Read more...