Libreng toll fee handog sa Pasko, Bagong Taon

May handog na libreng toll fee kasabay ng selebrasyon ng Pasko at Bagong Taon.

Ayon sa Metro Pacific Tollways Corporation (MPTC), kasama sa may libreng toll fee ang NLEX, SLEX, Cavitex at Calax.

Walang babayarang toll ang mga motorista mula sa Bisperas ng Pasko, (December 24, 2020) hanggang sa araw mismo ng Pasko, (December 25, 2020).

Para naman sa Bagong Taon, wala ring toll fee mula December 31, 2020 hanggang January 1, 2021.

Epektibo ang libreng toll fee mula 10:00 ng gabi hanggang 6:00 ng umaga.

Read more...