Outbound passengers sa mga pantalan sa Pasko, nasa higit 14,000

Patuloy ang pag-monitor ng Philippine Coast Guard sa bilang ng mga pasahero sa mga pantalan kasabay ng Oplan Biyaheng Ayos: Pasko 2020.

Batay sa monitoring ng Philippine Coast Guard (PCG), nakapagtala ng kabuuang 14,370 na outbound passengers sa mga pantalan habang 12,315 ang inbound passengers.

Ito ay mula 6:00 ng umaga hanggang 12:00 ng tanghali, araw ng Miyerkules (December 23).

Nasa 1,463 naman ang itinalagang PCG personnel sa mga pantalan.

Base pa sa datos, 304 ang inspected vessels at 325 ang inspected motorbancas.

Pinaalalahanan pa rin ang mga pasahero na manatiling alerto at sumunod sa mga panuntunan sa mga pantalan at sasakyang-pandagat.

Read more...