Sa datos ng Department of Foreign Affairs (DFA) hanggang December 23, nanatili sa 12,820 ang mga kumpirmadong positibo sa COVID-19 na Filipino mula sa 84 na bansa at rehiyon.
Sa nasabing bilang, 3,576 ang patuloy na nagpapagamot sa iba’t ibang ospital.
Nasa 103 naman ang bagong gumaling kung kaya 8,333 na ang overseas Filipinos na naka-recover sa nakakahawang sakit o na-discharge na sa ospital.
24 naman ang bagong napaulat na nasawi.
Dahil dito, 911 na ang COVID-19 related deaths sa mga Filipino abroad.
Pinakamarami pa ring naitalang confirmed COVID-19 positive na OF sa bahagi ng Middle East/Africa na may 7,654 na kaso.
Sumunod dito ang Europa na may 1,746 confirmed COVID-19 positive cases na OF.
Nasa 781 naman ang kaso sa Americas at 2,639 sa Asia Pacific Region.
Tiniyak ng DFA na sa pamamagitan ng Foreign Service Posts, tututukan ang lagay ng mga Pinoy sa ibang bansa at handang umasiste sa mga Filipino na apektado ng COVID-19 pandemic.