Sa datos ng Quezon City Health Department, umabot na sa 27,510 ang bilang ng mga kumpirmadong kaso ng nakakahawang sakit sa lungsod hanggang 8:00, Miyerkules ng umaga (December 23).
Ang nasabing bilang ng kaso ay na-validate na ng QCESU at district health offices.
Samantala, nasa 1,488 o katumbas ng limang porsyento ang itinuturing na aktibong kaso ng pandemiya.
25,268 o 92 porsyento ang total recoveries sa COVID-19 sa lungsod habang 754 o tatlong porsyento ang nasawi.
Batay pa sa datos, nasa 133,857 ang suspected COVID-19 cases na kabilang na isinagawang contact tracing.
MOST READ
LATEST STORIES