Bahagi ng Central Luzon, CALABARZON makararanas ng pag-ulan

Asahang makararanas ng pag-ulan ang ilang lalawigan sa Central Luzon at CALABARZON.

Batay sa thunderstorm advisory dakong 1:39 ng hapon, katamtaman hanggang mabigat na buhos ng ulan na may kidlat at malakas na hangin ang iiral sa Tarlac, Nueva Ecija, Zambales, Pampanga at Bulacan.

Maliban dito, uulanin din ang Quezon partikular sa Guinayangan at Calauag.

Sinabi ng weather bureau na iiral ang pag-ulan sa nasabing lalawigan sa susunod na dalawang oras.

Inabisuhan naman ang publiko na mag-ingat at antabayan ang susunod na update ukol sa lagay ng panahon.

Read more...