Mga negosyanteng magsasamantala sa panahon ng Pasko dapat isumbong sa DTI ayon sa malakanyang

Hinihimok ng Palasyo ng Malakanyang ang publiko na agad na isumbong sa Department of Trade and Industry (DTI) kung may mga negosyanteng magsasamantala ngayong panahon ng kapaskuhan.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, maaring tumawag sa DTI hotline na 1-384 o mag-e-mail sa consumercare@dti.gov.ph.

May inilabas na suggested retail price aniya ang dti para sa mga pang noche buena item gaya ng hamon, fruit cocktail, keso, queso de bola, spaghetti, macaroni, tomato sauce, sandwich spread, mayonnaise at creamer.

Sa ngayon, wala aniyang pagtataas ng presyo sa mga pang noche buena item.

Ayon kay Roque, base sa abiso ng DTI, ang presyo ng mga produktong ito ay nasa presyong 2019 simula noong November 15 hanggang December 31, 2020.

 

Read more...