Pagpasa sa death penalty bahala na ang kongreso ayon sa Malakanyang

Ipinauubaya na ng Palasyo ng Malakanyang sa Kongreso ang pagbuhay muli sa panukalang batas na death penalty.

Pahayag ito ng palasyo sa gitna ng panukala na ipasa ang parusang kamatayan matapos ang walang-awang pamamaril ni Police Senior Master Sergeant Jonel Nuezca sa mag-inang Sonya Gregorio at Frank Anthony Gregorio sa Paniqui, Tarlac.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, noon pa man, prayoridad at itinutulak na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang parusang kamatayan lalo na sa mga sangkot sa wide scale drug trafficking.

Pero nasa kongreso aniya ang problema lalo’t may ilang mambabatas ang tutol sa parusang kamatayan.

Matatandaang sa mga nakalipas na State of the Nation Address ni Pangulong Duterte, ilang beses nang hinimok nito na buhayin ang death penalty law.

Subalit hanggang ngayon, hindi umuusad ang panukala sa Mababang Kapulungan ng Kongreso.

 

 

 

 

Read more...