Coast Guard nakapagtala ng halos 12,000 pasahero na bumiyahe sa mga pantalan

Simula alas 12:00 ng madaling araw hanggang alas 6:00 ng umaga ngayong Miyerkules, Dec. 23, 2020 umabot sa halos 12,000 ang naitala ng Philippine Coast Guard na bumiyahe sa mga pantalan.

Sa ilalim ng Oplan Biyaheng Ayos: Pasko 2020 ng Coast Guard, mayroong 5,961 na outbound passengers at 6,087 inbound passengers ang kanilang na-monitor.

Mayroong 1,479 na tauhan ng Coast Guard na ipinakalat sa mga pantalan.

Nagsagawa din ng inspeksyon sa nasa 160 mga barko at 59 motorbancas.

 

 

Read more...