P202.9M natipid ng Manila LGU sa utang sa buwis, inilaan sa bakuna vs COVID-19

Pinasalamatan ni Mayor Isko Moreno Domagoso si Bureau of Internal Revenue (BIR) Commissioner Caesar Dulay matapos aprubahan nito ang kahilingan ng alkalde na kanselahin ang tax liability ng LGU Manila sa BIR.

Nag-ugat ito sa hindi pagbabayad ng buwis ng dalawang nakaraang administration na ngayon ay lomobo sa halagang P202 milyon.

Agad namang inilaan ni Mayor Isko ang natipid na P202.9 milyong pondo para sa pambili ng bakuna laban sa COVID-19.

Ang naturang P202.9 milyon ay nagmula sa maliit na halaga na dapat babayaran ng Manila LGU na lumobo dahil sa kapapabayaan ng mga nagdaang administrasyon sa pagbabayad ng buwis sa BIR.

Kaugnay nito ay pinuri naman ni Commissioner Dulay ang pagiging proactive ni Mayor Isko.

Aniya, kung hindi dahil sa pagkilos ng alkalde ay maaaring nawala na nang tuluyan ang P202.9 milyon sa Lungsod ng Maynila.

 

 

 

Read more...