FDA nagbabala sa pagbili ng ilang hindi rehistradong produkto

Nagbabala sa publiko ang Food and Drug Administration sa pagbili ng ilang mga produkto na natuklasang hindi rehihstrado sa ahensya.

Kabilang dito ang mga sumusunod:

1. SHAMROCK Sultana Raisins
2. GSJ PEANUTS Skinless Salted Peanuts Plain
3. NELLY Tablea de Jimenez, 220g
4. BEST BIOESSENCE SURE THREE Virgin Coconut Oil, 250ml
5. SAMPAGUITA Turmeric Tea, 170g

Ayon sa FDA, walang certificates of products registration ang mga nabanggit na produkto.

Dahil dito, hindi sumailalim ang mga ito sa pagsusuri ng FDA kaya hindi tiyak na ligtas ito for human consumption.

Inabisuhan na ang mga establisyimento na i-pull ang mga nabanggit na produkto sa merkado.

 

 

 

Read more...