15 katao pinagkalooban ng pardon ni US Pres. Donald Trump

Binigyan ng pardon ni US President Donald Trump ang 15 katao kabilang ang ilang Republicans.

Limang katao pa ang nabigyan ng commutation of sentence ng US president.

Kasamang nabigyan ng pardon sina dating Republican Reps. Duncan Hunter ng California at Chris Collins ng New York.

Binigyan naman ng commutation of sentence si dating Rep. Steve Stockman ng Texas.

Si Hunter ay sinintensyahang makulong ng 11 buwan matapos maghain ng guilty plea sa pagkuha ng campaign funds at paggamit nito para sa birthday party ng kaniyang anak.

 

 

 

 

 

Read more...