Kaso ng COVID-19 sa Eastern Visayas, nadagdagan pa ng 244

Nadagdagan ng 244 pa ang bilang ng kaso ng COVID-19 sa Eastern Visayas.

Maituturing itong pinakamataas na single-day increase sa COVID-19 cases sa rehiyon.

Naitala ang mga bagong kaso mula sa 1,472 laboratory samples na sinuri ng EVRCTC, DWHVL at Ormoc Molecular Diagnostic Center.

Sa datos ng Department of Health (DOH) – Eastern Visayas hanggang 9:00, Miyerkules ng umaga (December 23), 10,456 na ang total confirmed COVID-19 cases sa rehiyon.

Sa nasabing bilang, 875 o 8.37 porsyento ang aktibong kaso.

52 residente naman ang gumaling pa sa nakakahawang sakit.

Bunsod nito, umabot na sa 9,463 o 90.50 porsyento ang total recoveries sa Eastern Visayas.

Sa ngayon ay umabot na sa 118 ang bilang ng nasawi sa rehiyon o katumbas ng 1.13 porsyento.

 

 

Read more...