Travel restrictions sa UK layong maawat ang pagtaas ng COVID-19 cases sa Pilipinas ngayong holiday season – DOH

Kinumpirma ng Department of Health (DOH) na inaprubahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang resolusyon ng IATF na layong magpatupad ng travel restrictions sa mga biyaherong galing United Kingdom.

Sa pahayag sinabi ng DOH na layunin nitong maawat ang pagtaas ng COVID-19 cases sa bansa ngayong holiday season.

Ayon sa DOH, batay sa IATF resolution no. 90 suspendido muna ang liahat ng flights galing UK simula December 24 hanggang December 31.

Papayagan pa din naman ang mga pasahero galing Pilipinas na bumiyahe patungong UK basta’t makasusunod sila sa exit protocols ng IATF at Bureau of Immigration.

 

 

 

Read more...