Sa magdamag ay nadagdagan pa ng mahigit 55,000 ang mga kaso ng COVID-19 sa Brazil.
Dahil dito, umabot na sa 7,320,020 ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa nasabing bansa.
Mahigit 6.3 million na ang gumaling sa COVID-19 sa Brazil at mayroong mahigit 776,000 pang active cases.
Samantala, mayroong naitalang dagdag na mahigit 900 na pumanaw sa Brazil dahil sa COVID-19.
Ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa naturang bansa ay 188,285 na.
MOST READ
LATEST STORIES