LRT-2 magpapatupad ng shortened operating hours sa Dec. 24 at Dec. 31

Magpapatupad din ng shortened operating hours ang LRT-2 sa bisperas ng Pasko at bisperas ng Bagong Taon.

Sa abiso ng LRTA, sa December 24 ang last commercial train galing Cubao at Recto ay aalis ng alas 8:00 ng gabi.

Sa December 31 naman, ang last commercial train galing Cubao at Recto ay aalis ng alas 7:30 ng gabi.

Ayon sa LRTA, inaasahan kasing mas mababa ang bilang ng mga pasahero sa nasabing mga petsa.

Layon din nitong mabigyang pagkakataon ang kanilang station personnel na makauwi ng maaga para magdiwang ng Pasko at Bagong Taon kasama ang pamilya.

Ipatutupad naman ang regular train service operations sa Dec. 25 at Dec. 30.

 

 

Read more...