Sa abiso ng Light Rail Manila Corporation (LRMC), sa December 24, ang operating schedule ng LRT-1 ay mula 4:30 AM hanggang 8:00 PM lamang para sa north at southbound.
Sa December 31 naman, 4:30 AM to 7:00 PM lamang ang biyahe ng mga tren ng LRT-1.
Sa mismong araw ng Pasko, December 25; sa Rizal Day, December 30; at sa Bagong Taon, January 1 ay susundin ang regular weekends/holiday schedule.
Mananatili namang sarado until further notice ang Roosevelt station ng LRT-1 para sa nagpapatuloy na pagtatayo ng Common Station o Unified Grand Central Station (UGCS) na magkukunekta sa LRT-1, MRT-3, at MRT-7.
MOST READ
LATEST STORIES