Pinaghahanap naman pa ang anim pang nawawalang mga minero.
Dahil sa insidente, iniutos ng Mines and Geosciences Bureau sa Central Visayas ang suspensyon sa open-pit mining operations ng Carmen Copper Corp. (CCC).
Ayon kay MGB-7 Director Arman Malicse, batay sa insiyal na imbestigasyon, ang ground ng Biga Open Pit mining ay gumuho matapos ang ilang araw nang pag-ulan.
Nagdulot ito ng 15-meter tsunami-like phenomenon na tumama sa sampung minero.
Habang umiiral ang suspensyon, magsasagawa ang MGB ng imbestigasyon sa nangyari at kabilang sa aalamin kung sumusunod ba ang CCC sa safety protocols.
Kung mapapatunayang nagkaroon ng kapabayaan ay sasampahan ng kaso ang kumpanya.