Pumanaw na si dating Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) Governor Gabriel C. Singson.
Si Singson ay nanilbihan sa BSP mula taong 1993 hanggang 1999.
Nakatakdang ihatid sa huling hantungan si Singson sa Biyernes, April 1.
Maliban sa pagiging BSP Governor, mayroon ding mahigit 40 taon na karanasan sa banking industry si Singson.
Kabilang dito ang pagkatawan niya sa Pilipinas sa International Monetary Fund.
Si Singson ang unang BSP Governor sa ilalim ng bagong New Central Bank Act in 1993.
Ang nasabing batas ang nagbigay sa Bangko Sentral ng kapangyarihan at administrative autonomy na wala sa dating Central Bank.
Malaki din ang naiambag ni Singson para magawang makaahon ng Pilipinas sa East Asian Financial Crisis noong 1997.
READ NEXT
Ilang Pinoy kabilang sa naaresto sa operasyon ng U.S. immigration laban sa mga ‘international gang’
MOST READ
LATEST STORIES