Ilang Pinoy kabilang sa naaresto sa operasyon ng U.S. immigration laban sa mga ‘international gang’

US ICEMahigit isang libong suspek sa iba’t ibang kaso ang inaresto ng mga ahente ng U.S immigration sa kanilang operasyon laban sa mga international gang.

Kabilang sa mga naaresto ang hindi tinukoy na bilang ng mga Pinoy.

Sa isinagawang five-week operation ng US Immigration and Customs Enforcement (ICE) agents, na tinawag na “Project Shadowfire”, tinarhet ang mga criminal organizations na sangkot sa drug trafficking, murder at racketeering.

Sa pahayag ng ICE, umabot sa 1,133 ang nadakip, at 915 dito ay pawang mga miyembro ng cross-border gang.

Karamihan sa kanila ay pawang may kinakaharap nang kasong kriminal at nakatakda ding sampahan ng kaso ng immigration.

Marami sa mga nadakip ay sangkot sa mga notoryus na grupo gaya ng “MS-13”, “Sureños”, “Norteños”, “Bloods” at ilang prison-based gangs.

Isinagawa ang operasyon sa Los Angeles; San Juan, Puerto Rico; Atlanta; San Francisco; Houston; at sa El Paso, Texas.

Ayon sa ICE, bagaman karamihan sa mga nadakip ay pawang American nationals, mayroong 239 na mga dayuhan na mula sa Mexico, Spain, El Salvador, China, Jamaica, Guatemala, Honduras, Pilipinas, Belize at iba pang bansa.

Nasabat sa isinagawang operasyon ang 150 mga armas, mahigit 20 kilo ng ipinagbabawal na gamot at mahigit $70,000.

 

Read more...