Sa halip na sa balcony ng St Peter’s Basilica, Christmas message ni Pope Francis, gagawin sa indoors

Sa indoors na lamang isasagawa ni Pope Francis ang pagbibigay ng kaniyang Christmas message ngayong taon.

Batay sa tradisyon, ginagawa ng Santo Papa ang kaniyang “Urbi and Orbi” (To the City and The World) sa balcony ng St. Peter’s Basilica mismong araw ng Pasko.

Pero dahil sa COVID-19 restrictions, sinabi ng Vatican na ngayong taon, isasagawa ito ng Santo Papa sa Hall of Blessings sa Vatican Apostolic Palace.

Ang Angelus prayer naman ni Pope Francis sa Dec. 26, 27 at sa January 1, 3 at 6 ay gagawin sa library.

Una nang inihayag ng Vatican na mayroong dalawang kardinal ang nagpositibo sa COVID-19.

 

 

Read more...