Niyanig ng magnitude 3.4 na lindol ang lalawigan ng Davao Occidental.
Ayon sa Phivolcs, naitala ang pagyanig sa 160 kilometers southeast ng bayan ng Jose Abad Santos, alas-5:48 umaga ng Miyerkules (December 23).
May lalim na 26 kilometers at tectonic ang origin ng pagyanig.
Wala namang naitalang pagkasira ng mga ari-arian, intensities at aftershocks bunsod ng pagyanig.
Nauna nang nakapagtala ng magnitude 3.1 na pagyanig sa lugar kaninang alas-2:24 ng umaga.
READ NEXT
Xander Ford arestado kaugnay ng kasong physical abuse at sexual assault na inihain ng ex-GF
MOST READ
LATEST STORIES