Xander Ford arestado kaugnay ng kasong physical abuse at sexual assault na inihain ng ex-GF

Nakakulong ngayon sa presinto sa Tondo, Maynila ang vlogger na si Xander Ford.

Inaresto ang vlogger kaugnay ng kasong physical abuse and sexual assault na inihain ng dati niyang girlfriend.

Sa Facebook live ng talent agency ni Ford na Star Image Artist Management, makikitang nasa loob ng selda si Ford.

Tiniyak ng kaniyang management na tutulungan pa rin nila si Xander sa kabila ng pag-alis nito sa kanilang poder.

Ngayong araw susubukin ng Talent Agency na siya ay mapiyansyahan.

Aabot sa halos P80,000 ang piyansang kailangang ilagak para pansamantalang makalaya si Xander.

\

Read more...