Pagpatay kay retired CA Justice Pizarro, mareresolba ng NBI – DOJ

Kumpiyansa si Justice Secretary Menardo Guevarra na mareresolba ng National Bureau of Investigation o NBI ang pagpatay kay retired Court of Appeals Justice Normandie Pizarro.

Aniya, may mga nakausap na ang mga imbestigador na ‘persons of interest’ at ang isa sa kanila ay nagpahayag na ng kahandaan na isiwalat ang lahat ng kanyang nalalaman.

Unang nagpasaklolo ang pamilya ng mahistrado sa NBI nang hindi na ito makauwi noong Oktubre 23, kung kailan naman nakita sa isang casino sa Clark, Pampanga ang biktima.

Nakausap pa ni Pizarro ang isa sa kanyang mga anak, tanghali ng nabanggit na araw.

Una nang kinumpirma ng NBI na 99.99 posyentong bangkay ng mahistrado Pizarro ang narekober sa Capas, Tarlac noong Oktubre 30, samantalang ang kanyang sasakyan ay sa San Simon, Pampanga nadiskubre.

Read more...