Parusang bitay, muling itinutulak ni Sen. dela Rosa

Matapos ang brutal na pagpatay ng isang pulis sa mag-ina sa Paniqui, Tarlac binuhay ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang kanyang panawagan na maibalik ang parusang kamatayan sa Pilipinas.

Himutok ni dela Rosa, nananatili sa komite ang mga panukalang ibalik ang paggawa ng parusang kamatayan sa mga karumal-dumal na krimen.

“Ayaw nila ng death penalty eh! ‘Yung ginawa ng pulis na cold-blooded killing, double murder and a heinous crime na dapat ang parusa ay death penalty,” aniya.

Dagdag pa niya, “pero hanggang ngayon hirap na hirap pa rin umusad ‘yung ino-author kung death penalty bill.”

Itinutulak ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagbabalik ng parusang kamatayan sa bansa para sa mga kasong drug trafficking at mga kaso na may kinalaman sa droga.

Read more...