Temporary ban sa U.K., panahon na para ikonsidera – Palasyo

Photo grab from PCOO Facebook video

Panahon na para ikonsidera ng pamahalaan ng Pilipinas na magpatupad ng temporary ban sa mga biyahero galing ng United Kingdom.

Pahayag ito ng Palasyo matapos ianunsyo ni British Prime Minister Boris Johnson na nagpatupad na sila ng mas mahigpit na seguridad matapos madiskubre ng mga eksperto na may bagong strain ng Coronavirus na mas infectioius kaysa sa COVID-19.

Pero Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, kailangan munang pakinggan ang World Health Organization (WHO).

Bukod dito, sinabi ni Roque na kailangan ding kalampagin muna ang Department of Tourism dahil sila ang higit na nakaaalam patungkol sa pagbiyahe.

Una nang nagpatupad ng travel ban ang Canada, Italy, Turkey, Switzerland, at Germany sa mga biyaherong galing U.K.

“Panahon na para ikonsidera iyang temporary travel ban sa UK. Bagamat pakinggan din po natin ang sinabi ng WHO na hindi naman dapat ikabahala iyan dahil ganyan talaga iyong progression ng mga viruses. Pero dapat mag-ingat pa rin,” pahayag ni Roque.

Read more...