BREAKING: Mga nagpositibo sa COVID-19 sa Pilipinas, nasa 462,815 na

Mahigit 1,000 muli ang panibagong kaso ng Coronavirus Disease o COVID-19 sa Pilipinas.

Sa huling datos ng Department of Health (DOH) bandang araw ng Martes (December 22), umabot na sa 462,815 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.

Sa nasabing bilang, 24,375 o 5.3 porsyento ang aktibong kaso.

Sinabi ng kagawaran na 1,314 ang bagong napaulat na kaso ng COVID-19 sa bansa.

82.6 porsyento sa active COVID-19 cases ang mild; 8.5 porsyento ang asymptomatic; 0.31 porsyento ang moderate; 2.9 porsyento ang severe habang 5.7 porsyento ang nasa kritikal na kondisyon.

Nasa 66 naman ang napaulat na nasawi.

Dahil dito, umakyat na sa 9,021 o 1.95 porsyento ang COVID-19 related deaths sa bansa.

Ayon pa sa DOH, 247 naman ang gumaling pa sa COVID-19.

Dahil dito, umakyat na sa 429,419 o 92.8 porsyento ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.

Read more...