Laguna, Rizal makararanas ng pag-ulan

Asahang makararanas ng pag-ulan ang ilang lalawigan sa CALABARZON.

Batay sa thunderstorm advisory dakong 2:52 ng hapon, katamtaman hanggang mabigat na buhos ng ulan na may kidlat at malakas na hangin ang iiral sa Laguna at Rizal.

Maliban dito, uulanin din ang San Pascual at Batangas City sa Batangas; Patnanungan, Burdeos, Mauban at Real sa Quezon.

Sinabi ng weather bureau na iiral ang pag-ulan sa nasabing lalawigan sa susunod na dalawang oras.

Inabisuhan naman ang publiko na mag-ingat at antabayan ang susunod na update ukol sa lagay ng panahon.

Read more...