Aabot sa P4.506 trilyon ang panukalang pondo para sa susunod na taon.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, limang senador at limang kongresista ang dadalo sa ceremonial signing.
Sa ngayon, binubusisi na aniya ng Palasyo ang pambansang pondo kung mayroong line item na maaaring i-veto.
Ayon kay Roque, natanggap ng Palasyo ang kopya ng budget noong Biyernes, December 18.
Nakapoloob sa budget ang pagresponde ng pamahalaan sa pandemya sa COVID-19 gaya ng pambili ng bakuna, pagsasaayos ng healthcare syatem, public at digital infrastructure at iba pa.
MOST READ
LATEST STORIES