Isang mangingisda sa Pangasinan, naligtas ng PCG

PCG photo

Nailigtas ng Philippine Coast Guard Station – La Union ang isang mangingisda matapos lumubog ang bangka sa bahagi ng Bani, Pangasinan Lunes ng gabi.

Nangyari ang insidente bandang 10:37 ng gabi.

Nasagip ang mangingisda ng isang transiting foreign vessel at agad nakipag-ugnayan sa PCG.

Nakilala ang mangingisda na si Romeo Mujar, 52-anyos at residente ng bayan ng Agno.

Maayos ang kondisyon ng mangingisda pagdating sa PPIC Pier, San Fernando kung saan nabigyan siya ng karagdagang tulong.

PCG photo
Read more...