Ayon sa pangulo, kailangan kasing isaalang-alang din ang kaligtasan ng higit na nakararami.
Ayon sa pangulo, ang problema sa mga gumagawa ng paputok ay hindi nilalagagyan ng label.
Kaya kapag nakadisgrasya aniya ay hindi alam kung anong kumpanya ang maaring habulin at papanagutin sa batas.
Dagdag ng pangulo, labis na kaawa-awa ang mga batang napuputukan.
Tuwing Bagong Taon, laman ng balita ang mga batang naputulan ng daliri, nabulag o hindi kaya ay namamatay dahil sa paputok
Hindi aniya dapat na hayaan lamang ito ng gobyerno dahil kailangan din na protektahan ang interes ng publiko.