Tatlo patay, pito pa ang nawawala sa landslide sa minahan sa Toledo City, Cebu

Nasawi ang tatlong katao, habang pito pa ang nawawala sa landslide na naganap sa mine site sa Toledo City, Cebu.

Ayon sa Cebu Provincial DRRMO, nangyari ang insidente kahapon ng hapon, araw ng Lunes (Dec. 21).

Sa pahayag ng Carmen Copper Corporation, kinumpirma nitong tatlo na ang nasawi sa insidente.

Nangyari ito sa Carmen Pit, mine operations site.

Ang pagguho ng lupa ay dahil sa mga naranasang pag-ulan sa nagdaang mga buwan na pinalala na din ng pag-ulan na dulot ng bagyong Vicky.

 

 

Read more...