Niyanig ng magnitude 3.0 na lindol ang lalawigan ng Davao Oriental.
Ayon sa Phivolcs, naitala ang pagyanig sa 177 kilometers southeast ng bayan ng Davao Oriental alas-9:35 umaga ng Martes (December 22).
May lalim na 6 kilometers at tectonic ang origin ng pagyanig.
Wala namang naitalang pagkasira ng mga ari-arian, intensities at aftershocks bunsod ng pagyanig.
MOST READ
LATEST STORIES