Sarangani, Davao Occidental niyanig ng magnitude 4.0 na lindol

Niyanig ng magnitude 4.0 na lindol ang lalawigan ng Davao Occidental.

Sa datos ng Phivolcs naitala ang lindo sa layong 32 kilometers southwest ng Sarangani, alas 9:19 ng umaga ngayong Martes, Dec. 22.

30 kilometers ang lalim ng lindol at tectonic ang origin.

Naitala ang sumusunod na Instrumental Intensities:

Intensity II – General Santos City;
Intensity I – Kiamba at Alabel, Sarangani

Ayon sa Phivolcs ang lindol at aftershock ng magnitude 6.2 na pagyanig sa Sarangani noong Dec. 16.

 

 

 

Read more...