Pagpatay kay retired CA Justice Pizarro mariing kinondena ni Chief Justice Peralta

Mariing kinondena ni Chief Justice Diosdado Peralta ang pagpatay kay retired Court of Appeals Justice Normandie Pizarro.

Kasabay nito, hiniling ni Peralta sa mga otoridad na tiyaking mahahanap at maparurusahan ang mga nasa likod ng krimen.

Tinawag ni Peralta na “barbaric act” ang ginawa kay Pizarro.

Nagpaabot din si Peralta ng pakikiramay sa mga naulila ng retiradong mahistrado.

Kahapon ay kinumpirma ng NBI na si Pizarro nga ang natagpuang patay, putol ang kanang kamay at nawawala ang mga daliri sa kaliwang kamay sa Capas, Tarlac noong October 30.

 

 

 

 

Read more...