Kaso ng COVID-19 sa Eastern Visayas, nadagdagan pa ng 80

Nadagdagan ng 80 pa ang bilang ng kaso ng COVID-19 sa Eastern Visayas.

Naitala ang mga bagong kaso mula sa 588 laboratory samples na sinuri ng EVRCTC, DWHVL at Ormoc Molecular Diagnostic Center.

Sa datos ng Department of Health (DOH) – Eastern Visayas hanggang 9:00, Martes ng umaga (December 22), 10,213 na ang total confirmed COVID-19 cases sa rehiyon.

Sa nasabing bilang, 685 o 6.71 porsyento ang aktibong kaso.

57 residente naman ang gumaling pa sa nakakahawang sakit.

Bunsod nito, umabot na sa 9,411 o 92.15 porsyento ang total recoveries sa Eastern Visayas.

Sa ngayon ay umabot na sa 117 ang bilang ng nasawi sa rehiyon o katumbas ng 1.15 porsyento.

 

 

 

Read more...