Ganito ang sitwasyon ng katawan ni retired Court of Appeals Justice Normandie Pizarro nang matagpuan ng mga otoridad sa lalawigan ng Tarlac.
Kinumpirma ng National Bureau of Investigation (NBI) na katawan nga ni Pizzaro ang nakita sa Capas, Tarlac noong October 30 matapos mag-match sa DNA test.
Ayon kay OIC Eric Distor 99.99 percent ang resulta ng DNA batay sa ginawang pagsusuri ng NBI Forensic.
Sinabi ni Distor na maaring sinadyang alisin ang kamay at mga daliri ng biktima para hindi makumpirma ang pagkakakilanlan nito sa pamamagitan ng finger prints.
Sinubukan ng NBI na gumamit ng forensic odontology o dental science pero hindi nagtagumpay dahil hindi kumpleto ang dental records ng mahistrado sa CA.
Dahil dito, kumuha ng swab samples ang NBI sa kotse ni Pizarro na huli niyang ginamit bago siya mawala.
At saka ito ikinumpara sa thigh bone ng natagpuang bangkay at sa DNA samples ng dalawang anak na lalaki ni Pizaro.
At doon lumabas ang very high probability na resulta.
Kasama sa mga kontrobersyal na kasong hinawakan ni Pizzaro ang murder charges laban kay dating Palawan Gov. Joel Reyes hinggil sa pagpatay sa environmentalist na si Dr. Gerry Ortega.
At kasong serious illegal detention laban kay Janet Lim Napoles.