Magat dam nagpapakawala pa din ng tubig, isang gate na lang ang nakabukas

Isang gate na lang ng Magat dam sa Isabela ang nakabukas at nagpapakawala ng tubig.

Sa abiso ng National Irrigation Administration (NIA) alas 6:30 ng ng umaga ngayong Martes, Dec. 22 ay isinara na ang radial gate #3 ng dam.

Dahil dito, ang radial gate #4 na lamang ng Magat dam ang nakabukas at nagpapakawala ng tubig.

Sa ngayon ayon sa NIA, 2 meters na lamang ang gate opening sa dam at 414 cubic meter per second ang total water discharge nito.

 

 

 

Read more...