Dagdag sa presyo ng produktong petrolyo, epektibo ngayong araw

Epektibo na ang dagdag sa presyo ng produktong petrolyo ngayong Martes, Dec. 22.

Ito na ang ikaanim na linggo na mayroong pagtaas sa presyo ng produktong petrolyo.

May dagdag na 75 centavos sa kada litro ng gasolina, 80 centavos sa kada litro ng kerosene at 85 centavos sa kada litro ng diesel.

Alas 6:00 ng umaga ngayong araw epektibo ang taas presyo ng Shell, Petron, SeaOil, Flying V, PTT, Phoenix Petroleum, Unioil, Total, at Petro Gazz.

Alas 12:01 ng madaling araw naging epektibo ang dagdag presyo ng Chevron.

Habang mamayang alas 4:01 naman ng hapon epektibo ang dagdag presyo ng Cleanfuel.

 

 

 

Read more...