General Nakar, Quezon niyanig ng magnitude 4.9 na lindol; pagyanig naramdaman sa Metro Manila at mga kalapit na lalawigan

(UPDATE) Niyanig ng magnitude 4.9 na lindol ang lalawigan ng Quezon.

Ayon sa Phivolcs ang epicenter ng lindol ay naitalasa layong 9 kilometers northwest ng General Nakar alas 2:14 ng madaling araw ngayong Martes, Dec. 22.

May lalim na 13 kilometers ang pagyanig at tectonic ang origin nito.

Naitala ang sumusunod na intensities:

Intensity V:
– General Nakar at Infanta, Quezon

Intensity IV:
– Dingalan, Aurora
– Malolos City, San Jose Del Monte City at Obando, Bulacan
– Lumban, Laguna
– Caloocan City
– Makati City
– Marikina City
– Quezon City
– Valenzuela City
– City of Manila
– Real, Quezon
– Rodriguez and San Mateo, Rizal

Intensity III:
– Doña Remedios Trinidad, Marilao, and Meycauayan, Bulacan
– Pakil, Laguna
– Malabon City
– Pasig City
– Parañaque City
– Gabaldon, Nueva Ecija
– Angeles City, Pampanga
– Lucban, Quezon
– Antipolo City, Binangonan, and Taytay, Rizal

Intensity II:
– Plaridel and San Miguel, Bulacan
– Santa Cruz, Laguna
– Navotas City
– Bongabon, Laur, and Palayan City, Nueva Ecija
– Tanay, Rizal

Intensity I:
– Cabanatuan City, Nueva Ecija

Ayon sa Phivolcs posibleng makapagtala ng aftershocks bunsod ng naturang pagyanig.

 

 

Read more...