Ito ang naging pahayag ni Vice President Leni Robredo sa pagkamatay ng mag-ina matapos barilin ng isang pulis sa Paniqui, Tarlac.
Binaril ni Police Senior Master Sergeant Jonel Nuezca ang mag-inang Sonya Gregorio, 52-anyos; at Frank Anthony Gregorio, 25-anyos, Linggo ng hapon (December 20).
“There will be those who will lay all blame on the person who pulled the trigger, as if he were not part of a larger architecture of impunity,” pahayag ni Robredo.
Sa kabila aniya ng malinaw na kalupitan at mga kinaharap na kaso, pinayagan pa ring manatili sa serbisyo.
Kinokondena aniya niya ang karumal-dumal na sinapit ng mag-ina at ang pagpatay sa iba pang inosente sa mga nakalipas na taon.
Ani Robredo, nakikiisa siya sa panawagan ng hustisya para sa mag-inang Gregorio.
Dagdag pa nito, “Kaisa ako sa pagtatrabaho upang magsulong ng mas makataong kultura sa hanay ng pulisya.”