Ipinagbabawal na ang paggamit ng anumang uri ng paputol o fireworks sa Navotas City.
Ito ay matapos pirmahan ni Mayor Toby Tiangco ang Executive Order No. TMT-060 alinsunod sa Regional Peace and Order Council Resolution No. 19-2020.
Tradisyon aniya ng mga Filipino ang paggamit ng paputok tuwing may okasyon.
Ngunit sinabi ng alkalde na maaari itong magdulot ng pinsala tulad ng pagkasugat, sunog at iba.
Maliban dito, lumalabas aniya ng bahay ang mga tao kapag mayroong fireworks display kung kaya nagkakaroon ng pagtitipon sa kalsada.
“Dahil may pandemya ngayon, m!higpit nating iniiwasan ang ganitong senaryo,” pahayag ni Tiangco.
“Unahin po natin ang ating kaligtasan at ang kaligtasan ng ating mga mahal sa buhay. Maligaya, ligtas at malusog na Pasko at Bagong Taon sa ating lahat. #iwaspaputok2020,” saad pa sa tweet ng alkalde.