Halos 200 pang Filipino abroad, tinamaan ng COVID-19

Nasa 189 ang bagong napaulat na nagpositibong Filipino sa COVID-19 sa ibang bansa.

Sa datos ng Department of Foreign Affairs (DFA) hanggang December 21, nasa 12,816 na ang mga kumpirmadong positibo sa COVID-19 na Filipino mula sa 84 na bansa at rehiyon.

Sa nasabing bilang, 3,654 ang patuloy na nagpapagamot sa iba’t ibang ospital.

Nasa 107 naman ang bagong gumaling kung kaya 8,234 na ang overseas Filipinos na naka-recover sa nakakahawang sakit o na-discharge na sa ospital.

63 naman ang bagong napaulat na nasawi.

Dahil dito, 928 na ang COVID-19 related deaths sa mga Filipino abroad.

“The increase is due to late reports from several countries in Europe,” paliwanag ng kagawaran.

Pinakamarami pa ring naitalang confirmed COVID-19 positive na OF sa bahagi ng Middle East/Africa na may 7,626 na kaso.

Sumunod dito ang Europa na may 1,772 confirmed COVID-19 positive cases na OF.

Nasa 781 naman ang kaso sa Americas at 2,637 sa Asia Pacific Region.

Tiniyak ng DFA na sa pamamagitan ng Foreign Service Posts, tututukan ang lagay ng mga Pinoy sa ibang bansa at handang umasiste sa mga Filipino na apektado ng COVID-19 pandemic.

Read more...