Batay ito sa iniulat na assessment sa Region XI.
Sa bulletin no. 3 ng kagawaran bandang 10:00, Lunes ng umaga (December 21), nasa 1,435 magsasaka at 663 ektarya ng agricultural areas ang naapektuhan ng bagyo.
143 metric tons naman ang production loss sa nasabing rehiyon.
Kabilang dito ang bigas, high value crops, at fisheries.
Sinabi naman ng DA na mahigpit silang nakikipag-ugnayan sa NGAs, LGUs at iba pang DRRM-related offices para sa posibleng epekto pa ng bagyo at kakailanganing tulong.
Binabantayan din ng kagawaran ang posibleng pinsala sa agri-fisheries sector.
Kasunod nito, tiniyak ng DA ang pagbibigay ng tulong sa mga apektadong magsasaka at mangingiada.
Kabilang dito ang mga sumusunod:
1. Rice, corn at assorted vegetable seed reserves mula sa DA-RFOs
2. Drugs at biologics para sa livestock at poultry
3. Survival and Recovery (SURE) Loan Program ng Agricultural Credit Policy Council (ACPC)
4. Indemnification fund mula sa Philippine Crop Insurance Corporation (PCIC)
Patuloy ding magbibigay ng update ang DA-DRRM Operations Center ukol sa nasabing bagyo.