Pasok sa local gov’t office sa San Mateo, Rizal half-day sa Dec. 23

Inanunsiyo ng pamahalaang lokal ng San Mateo sa Rizal ang half-day work suspension sa araw ng Miyerkules, December 23, 2020.

Hanggang 12:00 ng tanghali na lamang ang pasok sa nasabing petsa sa lahat ng tanggapan sa ilalim ng local government ng San Mateo.

Tuloy naman ang operasyon ng ilang personnel na mayroong vital services.

Kabilang dito ang mga tanggapan na nagbibigay ng basic emergency assistance, health services, peace and order, traffic rules and regulations, at mga nakatalaga para maingatan ang LGU facilities.

Read more...