Sa huling datos ng Department of Health (DOH) bandang araw ng Lunes (December 21), umabot na sa 461,505 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.
Sa nasabing bilang, 23,341 o 5.1 porsyento ang aktibong kaso.
Sinabi ng kagawaran na 1,721 ang bagong napaulat na kaso ng COVID-19 sa bansa.
82.2 porsyento sa active COVID-19 cases ang mild; 8.5 porsyento ang asymptomatic; 0.34 porsyento ang moderate; 3.0 porsyento ang severe habang 5.9 porsyento ang nasa kritikal na kondisyon.
Nasa 10 naman ang napaulat na nasawi.
Dahil dito, umakyat na sa 8,957 o 1.94 porsyento ang COVID-19 related deaths sa bansa.
Ayon pa sa DOH, 82 naman ang gumaling pa sa COVID-19.
Dahil dito, umakyat na sa 429,207 o 93.0 porsyento ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.