Mga dumalo sa birthday party ni Sen. Manny Pacquiao ipinasailalim muna sa swab test

Nanindigan si Senator Manny Paquiao na walang nalabag na health protocols sa ginawang pagdaraos ng kaniyang ika-42 Kaaarawan sa General Santos City.

Ayon sa senador, wala pang 50 ang bilang ng mga dumalo sa party.

Lahat din sila ay ipinasailalim sa COVID-19 test bago pinayagang makapasok sa venue.

Sinabi ni Pacquiao na 300 ang capacity ng venue pero wala pang 50 ang kanilang guests.

Sa mga larawang ibinahagi sa social media ng asawa ni Pacquiao na si Jinkee makikitang walang face masks ang karamihan sa mga dumalo sa pagtitipon.

 

 

Read more...