Kaso ng COVID-19 sa buong mundo mahigit 77.1 million na

Umabot sa mahigit 544,000 pa ang naitalang bagong kaso ng COVID-19 sa buong mundo sa nakalipas na magdamag.

Batay sa pinakahuling datos araw ng Lunes, (Dec. 21) ay 77,156,240 na ang global cases ng COVID-19.

Sa magdamag, mahigit 180,000 ang bagong kaso na naitala sa US.

Sa United Kingdom ay nakapagtala ng mahigit 35,000 na bagong kaso sa magdamag.

Mahigit 28,000 naman ang mga bagong kaso na naitala sa Russia.

Narito ang datos ng COVID-19 sa mga bansang may pinakamaraming kaso:

USA – 18,265,060
India – 10,056,248
Brazil – 7,238,600
Russia – 2,848,377
France – 2,473,354
UK – 2,040,147
Turkey – 2,024,601
Italy – 1,953,185
Spain – 1,817,448
Argentina – 1,541,285

 

 

Read more...