Walo nasawi sa pananalasa ng bagyong Vicky; 2 pa ang nawawala

Umakyat na sa walo ang bilang ng mga nasawi sa pananalasa ng tropical storm Vicky.

Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council o NDRRMC, maliban sa walong nasawi, mayroon pang dalawang nawawala.

Sa walong nasawi, 2 ang mula sa Eastern Visayas, 1 mula sa Davao Region, at 5 mula sa Caraga Region.

Nag-iwan din ang bagyong Vicky ng P105 million na halaga ng pinsala sa pananim at imprastraktura.

Nagdulot ng matinding pagbaha sa maraming lalawigan sa Mindanao ang naturang bagyo.

 

 

Read more...