Kaso ng COVID-19 sa India lagpas 10 milyon na

Umabot na sa mahigit 10 million ang kaso ng COVID-19 sa India.

Sa magdamag ay nadagdagan pa ng mahigit 24,000 ang mga kaso ng COVID-19 sa India.

Dahil dito, umabot na sa 10,056,248 ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa nasabing bansa.

Mahigit 9.6 million na ang gumaling sa COVID-19 sa India at mayroong mahigit 305,000 pang active cases.

Samantala, mayroong naitalang dagdag na mahigit 300 na pumanaw sa India dahil sa COVID-19.

Ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa naturang bansa ay 145,843 na.

 

 

 

Read more...